BATANG NAHULOG SA ILOG, NATAGPUANG PATAY

NATAGPUAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isang batang nawawala, matapos ang malawakang paghahanap sa Mayag River sa Mainit, Surigao del Norte.

Iniulat na nawawala ang bata simula noong Sabado matapos umanong mahulog sa ilog sa Purok Mahusay, Barangay Matin-ao sa nasabing bayan.

Una nang sinuspinde ang paghahanap sa bata ng Coast Guard Station Surigao del Norte, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) noong Sabado ng gabi dahil sa mababang visibility at malakas na ulan.

Pinag-ibayo ng team ang operasyon noong Linggo at nagdeploy ng karagdagang mga tauhan mula sa Coast Guard Special Operations Group.

Nagsagawa sila ng underwater, surface at shoreline search na sumasaklaw sa 1.2 kilometers sa ilalim ng tubig.

(JOCELYN DOMENDEN)

129

Related posts

Leave a Comment