VILLARS, NAGHATID NG KASİYAHAN SA MGA BATA NG BASECO SA TAUNANG HOLIDAY OUTREACH

BACOOR, Cavite — Nakatanggap ng isang araw na puno ng saya, pagkain, at kasiyahan ang mga bata mula sa Baseco Compound sa Tondo nang pangunahan ng pamilyang Villar ang kanilang taunang holiday outreach activity noong Sabado, Disyembre 20, sa Villar Children’s Farm.

Mahigit 50 bata, kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, ang lumahok sa pagdiriwang na tampok ang pamamahagi ng mga regalo na pinangunahan nina dating Senadora Cynthia Villar, Senadora Camille Villar, at ng anak nitong si Tristan.

Ang taunang handog-Pasko na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng pamilyang Villar na maghatid ng simpleng kasiyahan sa mga batang benepisyaryo tuwing Kapaskuhan, kasabay ng pagbibigay-pugay sa payak na pinagmulan ni dating Senate President Manny Villar sa Tondo.

(Danny Bacolod)

71

Related posts

Leave a Comment