RICE TARIFF COLLECTION, BAGSAK NG 60% SA 2025

BUMAGSAK ng 60 porsyento ang koleksiyon ng gobyerno mula sa rice tariff noong 2025, ayon sa datos ng Bureau of Customs (BOC).

Umaabot lamang sa ₱13.7 bilyon ang nakolektang taripa sa bigas na malayong mas mababa kumpara sa ₱34 bilyon noong 2024.

Iniuugnay ito sa pagbaba ng rice tariff mula 35% ay naging 15%, bagay na inaasahan na umano ng mga nasa rice industry.

Dagdag pa rito ang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) na temporary ban sa pagpasok ng imported rice simula Setyembre 1.

Gayunman, inaasahang tataas muli ang koleksiyon matapos ipatupad ang dagdag-taripa na 20% simula Enero 16, mula sa kasalukuyang 15%.

Kasabay nito, pinag-aaralan ng DA ang pagtaas ng MSRP ng imported rice sa ₱45 kada kilo mula sa dating ₱43.

Pinalawig din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspension sa importasyon ng regular at well-milled rice hanggang katapusan ng taon, upang patatagin ang presyo sa merkado at protektahan ang mga magsasaka.

(JESSE RUIZ)

68

Related posts

Leave a Comment