NASAWI ang isang 51-anyos na dining supervisor matapos ratratin habang nakaupo sa kanyang nakaparadang sasakyan sa Sitio Centro, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas, bandang alas-9 ng gabi noong Miyerkoles.
Kinilala ang biktima na si Benson, na tinamaan ng bala sa kanang pisngi.
Isinugod pa ito sa Apacible Memorial District Hospital ngunit idineklarang patay ng doktor.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, subalit sa follow-up operation ay naaresto ang unang suspek na si alyas “MJ” sa Tagaytay City matapos positibong ituro ng saksi.
Nabawi ng pulisya ang ginamit na motorsiklo, improvised shotgun, at mga bala.
Sumunod namang nadakip ang ikalawang suspek na si Arwin sa Silang, Cavite bandang alas-10:30 ng gabi.
Selos ang tinitingnang motibo sa pamamaslang. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.
(NILOU DEL CARMEN)
119 