OPERASYON VS ATONG ANG PINAIGTING

PINAIGTING ng mga ahensya ng pamahalaan ang paghahanap sa puganteng gaming tycoon na si Atong Ang.

Sa isang ambush interview sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na kumpiyansa silang nasa Pilipinas pa rin ang negosyante sa kabila ng mga ulat na nakatakas na ito.

Ayon kay Vida, batay sa mga impormasyong kanilang nakalap, may malinaw na indikasyon na nanatili pa rin sa bansa ang negosyante.

“We have member-countries na nagko-cooperate sa atin, and we are exploring all avenues, including the diplomatic community. We’re exploring lahat ng channels,” ani Vida.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy ang operasyon ng mga law enforcement agencies upang matunton at madakip si Ang.

Nang tanungin kung malapit na bang mahuli ang pugante, tugon ni Vida, “Malapit, malayo—I cannot predict.”

Si Ang ay pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa mga warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng mga sabungero.

(JULIET PACOT)

5

Related posts

Leave a Comment