ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU), na pinamumunuan ni PMaj. Kevin Rey Bautista, ang isang 62-anyos na lalaking “wanted” sa kasong statutory rape at three counts of rape.
Ani Bautista, isinagawa ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng intelligence-driven police operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusadong taga-Zapanta Street, Malate, Manila.
Kinilala lamang sa alyas na “Jun,” siya ay naaresto sa Sitio Greenfield’s, Brgy. San Vicente, Municipality of Macalelon, Quezon Province, dakong alas-2:30 ng hapon noong Pebrero 12, 2026, sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu para sa kasong statutory rape at three counts of rape sa ilalim ng Art. 266-A par. 1(a) and 2, docketed under CC No. 12-290836-39.
Walang piyansang inirekomenda si noon ay Judge Jaime Santiago, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 3 sa Manila, sa desisyong inilabas nito noong July 20, 2012.
Ayon kay Bautista, ang arestadong akusado ay binasahan ng kanyang kaso at karapatan, ayon sa Constitution sa ilalim ng R.A. 7438 subalit pinili nitong manahimik.
“Likewise, in compliance with Supreme Court A.M. 21-06-08-SC, an Alternative Recording Device (Samsung A53) was used during the implementation of the said arrest warrant,” dagdag pa ni Bautista.
Ang akusado ay pansamantalang nakadetine sa MPD-Integrated Jail facility bago ang pagbabalik ng warrant nito sa court of origin at habang hinihintay ang paglabas ng commitment order mula sa korte.
(JESSE RUIZ)
2
