MULING ipinakita ng SAKSI NGAYON management ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na may temang, “ONE TREE, ONE HOPE, ONE COUNTRY 4.0” na isinagawa sa Pugpog Resort na matatagpuan sa #435 Angeles St., Balatong B, Pulilan, Bulacan noong Pebrero 20, 2026.
Sa tulong ng PUGPOG RESORT na pag aari ni Gng. Rina Santos ay matagumpay na naisakatuparan ng SAKSI NGAYON ang programang ito.
Ang nasabing aktibidad ay pang apat nang ginagawa ng SAKSI NGAYON management sa tuwing nagkakaroon ng selebrasyon ng anibersaryo kada taon ang publikasyon na kung saan ang mga nauna ay ginawa sa Department of Environment and Natural Resources National Capital Region Plant Nursery na matatagpuan sa La Mesa Dam sa Quezon City.
Bilang pasasalamat ng SAKSI NGAYON management sa patuloy na magandang takbo ng publikasyon ay naging adbokasiya na ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng tree planting at iba pang aktibidad na may kinalaman sa pagmamahal sa kalikasan.
Bukod dito, pinasalamatan din ni Maam Rochelle Pangan, Advertising Manager ng SAKSI NGAYON ang mga advertisers sa walang-sawa nilang suporta sa publikasyon sa lahat ng proyekto.
Hindi lang sa pamamagitan ng paglalagyan ng kanilang tarpaulins, pagbibigay ng food packs sa aktibidad nakikiisa rin ang kanilang mga opisyal at piling tauhan sa pagtatanim ng mga puno kasama ang ilang empleyado ng SAKSI NGAYON.
Kabilang sa mga sponsors na patuloy na sumusuporta sa SAKSI NGAYON ay ang MERALCO, BINGO PLUS, GOHOTEL, TJN PASALUBONG, SM PRIME HOLDINGS, BAGABURGER, HOTEL SOGO, MAYNILAD, YAKULT, ASTROTEL, AQUASWEET, MAYBANK, NORWIN’S GOWN AND BARONG, SHOOT OR SHOT? THE MOBILE BAR at ang POLAR.
Nangako ang SAKSI NGAYON management na hindi sila magsasawa sa kanilang adbokasiya na pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Hindi lang sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ng SAKSI NGAYON management bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan, nagkaroon na rin ang publikasyon ng paglilinis ng mga basura sa tabing dagat at pagtatanim ng corals sa ilalim ng karagatan ng Batangas kamakailan.
Naniniwala ang SAKSI NGAYON management na sa pamamagitan ng kanilang aktibidad na pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng mga basura sa karagatan at pagtatanim ng corals ay makakahikayat sa ibang pribadong kumpanya na gayahin ang kanilang adbokasiya na pagmamalasakit sa kalikasan.
Isa sa problema ng mundo ngayon ay ang “climate change” o pagbabago ng panahon na hanggang ngayon ay patuloy na umiinit ang kapaligiran dahil sa pagkaubos ng mga puno at polusyon sa mga karagatan dahil sa walang pakundangan na pagputol ng mga puno at pagtapon ng mga basura ng mga tao kung saan-saan na lamang.
Sa pamamagitan ng isinasagawang pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng basura sa mga tabing dagat at pagtatanim ng corals sa ilalim ng mga kagaratan ay maiibsan ang epekto ng pagbabago ng klima sa bansa.
(Joel O. Amongo)
4



























