‘Absenero sa Senado’ DELA ROSA NAUBUSAN NA NG KOMITE

Dahil sa patuloy na pagliban sa sesyon at mga pagdinig, inalis na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa ilang komite ng Senado.

Pinakahuling tinanggal kay dela Rosa ang pagiging miyembro sa Senate Committee on Justice and Human Rights, kung saan siya ay pinalitan ni Senador Joel Villanueva.

Noong nakalipas na linggo, pinalitan din siya ni Senador Robin Padilla bilang miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee.

Bukod dito, inalis din sa kanya ang chairmanship ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation at iniatang ito kay Senador Francis Escudero.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, alinsunod ito sa umiiral na patakaran ng Senado. Tinukoy niya ang Section 23 ng Rule 11, na nagsasaad na maaaring tanggalin ang isang senador bilang miyembro ng komite kung ito ay lumiban sa limang magkakasunod na committee meetings.

Simula pa noong Nobyembre ay hindi na dumadalo sa Senado si dela Rosa dahil sa umano’y warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng International Criminal Court.

(DANG SAMSON-GARCIA)

8

Related posts

Leave a Comment