PNP SINISILIP KUNG MAY SINDIKATO SA LIKOD NG DAYUHANG GUN DEALERS

TINITINGNAN ng Philippine National Police kung may koneksyon sa mas malaking gun-running syndicate ang dalawang dayuhan na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na ng masusing balidasyon ang intelligence units para matukoy kung bahagi ng sindikato ang dalawang suspek at kung sino pa ang kanilang kasabwat.

Naaresto ang isang 39-anyos na Chinese national at isang 33-anyos na Taiwanese national sa operasyon ng CIDG-Southern Metro Manila District Field Unit sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard noong Pebrero 25.

Nasamsam sa kanila ang isang 9mm revolver, tatlong bala, marked money, dalawang cellphone at pouch bag.

Diin ni Nartatez, hindi papayagan ng PNP na gawing “palaruan ng kriminal” ang bansa at sinomang lumabag sa batas ay haharap sa hustisya.

(TOTO NABAJA)

4

Related posts

Leave a Comment