10% DISKWENTO SA PAMASAHE SA BUS MULA GOOD FRIDAY HANGGANG EASTER SUNDAY, APRUB SA LTFRB

INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng isang malaking bus company na magbigay ng 10% diskwento sa pamasahe simula Black Friday hanggang Easter Sunday.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, saklaw ng Board Resolution No. 114, Series of 2026 ang mga bus na nasa ilalim ng Yanson Group of Bus Companies sa buong bansa.

Kabilang sa mga operator ang Vallacar Transit, Inc., Bachelor Express, Rural Transit Mindanao, Inc., Mindanao Star Bus Transport Inc., at Love Transport Express Mindanao, pati na ang iba pang affiliate companies sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng LTFRB na ang hakbang ay bahagi ng “Bayanihan” initiative upang makatulong sa mga pasahero lalo na ngayong Semana Santa.

Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na magtulungan sa gitna ng epekto ng tumataas na presyo ng petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East.

Pinuri naman ng LTFRB ang naturang bus group sa pagbibigay ng diskwento, na anila’y makatutulong sa mga biyahero.

(PAOLO SANTOS)

79

Related posts

Leave a Comment