MAHIGIT P500-M KAGAMITAN NG PNP, BINASBASAN SA CAMP CRAME

BINASBASAN ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkoles ang mahigit P500 milyong halaga ng bagong kagamitan na ipamamahagi sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Personal na ininspeksyon ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga newly procured equipment na layuning palakasin ang kakayahan ng pulisya sa pagtugon sa krimen.

Kabilang sa mga bagong kagamitan ang:
117 unit ng personnel carrier (4×4)
71 unit ng motorsiklo
800 set ng civil disturbance management equipment
600 set ng non-lethal equipment
403 unit ng autogated night vision device

Ayon kay Nartatez, ipakakalat ang mga ito sa iba’t ibang rehiyon, partikular sa mga lugar na may tourist destinations, upang mapabilis ang police response.

Dagdag pa niya, inaasahang darating sa mga susunod na buwan ang karagdagang 700 motorsiklo na popondohan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

(TOTO NABAJA)

54

Related posts

Leave a Comment