Sa physical contact, verbal abuse BATANGAS POLICE DIRECTOR KINASUHAN NG LADY COP

PERONAL na naghain ng pormal na reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang babaeng pulis laban sa Police Provincial Director ng Batangas, dahil sa umano’y grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer.

Ayon sa isinumite nitong sworn affidavit, detalyado nitong inilatag ang sunod-sunod na insidente na naganap mula Pebrero hanggang Marso 2026, kabilang ang hindi kanais-nais na physical contact, mga ‘di angkop na salita, at mga aksiyong nagdulot ng stress sa nagreklamo, na nangyari sa loob mismo ng police premises at sa trabaho.

Aniya, ginamit umano ng opisyal ang kanyang posisyon, na nagbunsod ng serious concern sa pang-aabuso nito sa kapangyarihan, kaligtasan sa trabaho, at professional conduct sa hanay ng pulisya.

Kinumpirma ng NAPOLCOM na nasa kanilang jurisdiction na ang kaso at isasailalim na sa tamang administrative proceedings alinsunod sa umiiral na batas.

Binigyang-diin ng commission na ang ganitong uri ng reklamo, lalo na kung sangkot ang kababaihan sa hanay ng pulisya, ay tutugunan nang mabilis at patas habang pinapangalagaan ang karapatan ng lahat.

Binigyang-pansin din ng NAPOLCOM ang kahalagahan ng propesyonalismo, respeto, at integridad sa hanay ng Philippine National Police, at nanawagan na ang pamumuno ay dapat nakabase sa accountability at moral authority.

(NILOU DEL CARMEN)

124

Related posts

Leave a Comment