KICKBACK AT PAYOLA SYSTEM SA DOTr, INIIMBESTIGAHAN

UUNGKATIN din ng pamahalaan ang mga katiwalian sa loob ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa ulat, hindi lamang ang flood control scandal sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinaiimbestigahan ng Palasyo matapos makarating dito ang mga isyu na ibinabato sa DOTr katulad ng kickback at payola system.

Pinaiimbestigahan na diumano ang mga opisyal na sangkot sa pangongontrata at paghingi ng kickback para sa mga proyektong dapat ay para sa taumbayan. Sangkot umano rito ang mga opisyal na nagsimula noong nakaraang administrasyon.

Bukod sa male-maletang pera na kinukulimbat ng mga opisyal sa DOTr, may isyu rin umano ng hindi pagpapasahod nang tama at on time sa mga job order at contractual employees ng departamento.

Ayon sa isang insider, tumatanggap umano ang ilang opisyal ng ahensya ng buwan-buwang payola mula sa mga big-time contractor. Dagdag pa nito, inuna pa ng ilang Usec at Asec ang pagkontranta ng bagong opisinang lilipatan kaysa asikasuhin ang kapakanan ng kanilang mga empleyado.

(JESSE RUIZ)

88

Related posts

Leave a Comment