PULIS PATAY SA BUY-BUST SA BACOLOD

PATAY ang isang pulis matapos mabaril sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Romulo Galvez, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Bacolod City Police Office.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 9 sa Barangay Sincang laban sa isang 32-anyos na suspek nang bigla itong bumunot ng kalibre .45 at pinaputukan si Galvez, na tinamaan sa kanang hita.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian ng buhay madaling araw ng Biyernes dahil sa hypovolemic shock.

Naaresto ang suspek at narekober sa kanya ang limang sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱48,000, buy-bust money at baril na ginamit sa krimen.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, gayundin ang kasong murder at illegal possession of firearms laban sa suspek.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Police Regional Director PBGen. Arnold Thomas Ibay sa pamilya ng nasawing pulis at tiniyak ang suporta sa kanila.

(TOTO NABAJA)

111

Related posts

Leave a Comment