NANAWAGAN ang Department of Justice Philippines (DOJ) sa publiko na makiisa sa laban kontra fake news.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, may mga content online na sadyang nililikha upang manlinlang at kumita.
“Tulungan n’yo kami mag-check,” aniya.
Babala pa niya, may ilang vloggers na ginagamit ang negatibong balita para dumami ang views at followers.
Hinimok ng DOJ ang publiko na maging mapanuri, umasa sa beripikadong impormasyon, at magbahagi rin ng positibong balita.
(JULIET PACOT)
111 