Inilunsad ng Manila Electric Company (Meralco) ang bagong Island Cove Gas Insulated Switchgear (GIS) Substation upang matugunan ang lumalaking demand ng kuryente sa Cavite.
Makatutulong ang bagong 83-megavolt amperes (MVA) power transformer bank, 115 kilovolt (kV) at 34.5 kV GIS upang masiguro ang maasahang serbisyo ng kuryente sa Bacoor, Imus, Kawit at Noveleta. Matutulungan din nito ang mga customer mula sa Bacoor City Hall, Evo City ng Ayala Land Inc., SM City Bacoor, Cavite Medical Center at Binakayan Hospital and Medical Center.
Patuloy na namumuhunan ang kumpanya sa mga proyekto na makapagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng kuryente para sa mga customer nito.
120 