SINAMPAHAN na ng kaso ang pitong kadete na sangkot sa hazing sa mahigit 20 kadete sa PNPA noong Abril 3.
Kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ang isinampa sa pitong kadete na kinabibilangan ng limang third class cadet at dalawang second class cadet.
Mismong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naghain ng kaso sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng IAS para sa administratibong pananagutan ng mga kadete.
Matatandaan, nagkaroon ng mga paso at lapnos ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan gayundin sa maseselang parte matapos pahiran ng pinaghalo umanong kemikal ng drain cleaner at muriatic acid.
Dahil dito, siyam na mga opisyal kasama ang director ng PNPA, ang nasibak sa pwesto.
(TOTO NABAJA)
125 