WALANG katiyakan kung kailan babalik sa bansa si Justice Secretary Fredderick Vida matapos ang kanyang pagbiyahe sa Czech Republic, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Umalis si Vida nitong Abril 23 kasama si Chief State Counsel Dennis Arvin Chan upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng planong pag-uwi sa Pilipinas ni dating kongresista Zaldy Co.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, “indefinite” ang pananatili ni Vida at wala pang tiyak na petsa ng pagbabalik.
Hindi rin masabi ng DOJ kung makakasabay pauwi si Co.
Ani Martinez, wala pang malinaw na timeline dahil nakaasa ito sa magiging proseso at aksyon ng Czech Republic, na kailangang igalang alinsunod sa kanilang mga batas.
(JULIET PACOT)
92 