ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva ang pag-amyenda sa mga regulasyon upang matiyak na nakabatay sa inflation ang allowance ng lahat ng faculty at non-teaching personnel sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Villanueva, ang dalawang panukala — Senate Bill No. 1605 at 1606 — na kanyang inihain noong nagdaang taon ay napapanahon, lalo na sa gitna ng patuloy na krisis sa langis na nagpapababa sa tunay na halaga ng allowance na natatanggap ng mga teaching at non-teaching personnel sa buong public education system.
“These allowances are not just financial assistance but are part of a broader effort to affirm the State’s constitutional mandate to prioritize education, not just through facilities or access, but also by recognizing and supporting the people who drive its delivery,” sabi ni Villanueva.
“Benefit amounts are adjusted every three years to account for inflation, meaning the allowances will not lose purchasing power over time,” punto ng senador at Commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM2).
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1606, layuning magbigay ng quarterly benefit na P5,000, o kabuuang P20,000 kada taon, para sa lahat ng teaching at non-teaching personnel sa public basic education system, kabilang ang mga nasa Alternative Learning System. Kasama rin dito ang P3,000 para sa grocery at transportation allowances at P2,000 para sa medical expenses bawat quarter.
Binigyang-kredito rin ni Villanueva ang Department of Education para sa umiiral na quarterly medical allowance sa ilalim ng DepEd Department Order No. 16, s. 2025, subalit iginiit niyang tanging isang batas ang makapagtitiyak na hindi ito mapuputol dahil sa limitadong pondo taun-taon.
“The DepEd, through the leadership of Secretary Sonny Angara, has been advocating tirelessly for basic education personnel, working with what’s available. Sa pamamagitan ng panukalang ito, pagtitibayin at palalawigin nito ang mga repormang nasimulan na,” saad ni Villanueva.
Samantala, ang Senate Bill No. 1605 naman ay magbibigay ng pinagsamang quarterly benefit na P5,000, o kabuuang P20,000 kada taon, para sa lahat ng teaching personnel sa state universities and colleges, gayundin sa mga state-run technical-vocational institutions.
Ang parehong panukala na magbibigay ng dagdag na allowance ay hindi papatawan ng buwis maliban na lamang kung lalampas ang halaga sa threshold na itatakda sa ilalim ng National Internal Revenue Code.
“While other laws and issuances rightly focus on learners, [these bills are] a deliberate act of solidarity with our educators and school personnel—the very people who make learning possible,” sabi ni Villanueva.
(DANG SAMSON-GARCIA)
104 