PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng Gen4Juan at partner organizations ang groundbreaking ceremony ng KaJuan Multipurpose Center sa Magallanes, Cavite bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng organisasyon.
Kabilang sa dumalo sina Gen4Juan Chairman at Executive Director Peter Eric Pardo, Vice Chairman at Finance Director Adrian Joseph Reyes, at Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas Dato Abdul Malik Melvin Castelino.
Dumalo rin si Malaysian Chamber of Commerce and Industries Philippines Inc. President How Han Hui at Provincial Board Member Jasmine Maligaya-Bautista, kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor.
Layunin ng proyekto na magsilbing community hub para sa mga residente ng Magallanes at karatig-lugar, na magtatampok ng mga programang nakatuon sa kabataan, matatanda, simbahan, at mga inisyatibong pangkapaligiran.
Naging posible ang proyekto sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Magallanes sa pamumuno nina Mayor Janessa Maligaya-De Ramayo at Vice Mayor Aina Mari Sisante-Maligalig.
Ayon sa mga organizer, inaasahang magsisilbi itong sentro ng komunidad na magpapalakas sa diwa ng bayanihan at pag-unlad sa lugar.
(DANNY BACOLOD)
106 