AFTERSHOCK SA MAGNITUDE 5.2 EARTHQUAKE ASAHAN

PINAALALAHANAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko hinggil sa posibilidad na makararamdam ng mga aftershock kasunod ng Magnitude 5.0 earthquake na tumama sa Maguindanao del Sur,

Ayon sa ulat na ipinarating ng PHIVOLCS sa Office of Civil Defense, ang lindol na may lakas na magnitude 5.0 at tumama bandang alas-7:25 noong Sabado ng gabi, ay posibleng lumikha ng mga pagyanig o aftershock bagama’t wala inulat na naging pinsala ito sa mga naapektuhang bayan.

Ang epicenter ay nasa 9 kilometro hilagang-kanluran ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur, at may lalim na 18 kilometro.

Kaugnay sa isinagawang damage assessment hinggil sa posibleng epekto ng lindol, inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang nasirang transmission facilities matapos ang lindol na tumama sa Maguindanao del Sur noong Sabado ng gabi.

Ayon sa NGCP, “Power transmission services in Southwestern Mindanao remain stable despite the 5.2 magnitude earthquake…”

“The grid remains intact as there had been no reported damaged transmission facilities in Southwestern Mindanao and nearby areas where the earthquake was felt,” dagdag pa nito.

Naitala ang Intensity V sa ilang lugar tulad ng General Salipada K. Pendatun, M’lang sa Cotabato, Tantangan sa South Cotabato, at President Quirino sa Sultan Kudarat.

Samantala, Intensity IV naman ang naitala sa ilang bahagi ng Maguindanao del Sur, South Cotabato, Sultan Kudarat, Cotabato, Sarangani, at iba pang lugar sa Mindanao.

Ayon sa PHIVOLCS, posible pa rin ang aftershocks at pinsala matapos ang lindol.

(JESSE RUIZ)

96

Related posts

Leave a Comment