HINILING ng Department of Justice sa Metropolitan Manila Development Authority ang mga kopya ng CCTV footage kaugnay ng mga pangyayari sa Senado noong nakaraang linggo.
Ayon kay Justice Secretary Frederrick Vida, partikular na hiniling ng DOJ ang footage noong Mayo 14 matapos umalis umano si Ronald dela Rosa sa Senado bandang alas-2:30 ng madaling araw.
Kaugnay nito, bibisita rin ang binuong Special Panel of Prosecutors sa Senado upang magsagawa ng pisikal na inspeksyon sa lugar kung saan naganap ang insidente ng putukan.
Ang naturang panel ay inatasan ng DOJ upang tutukan ang imbestigasyon sa mga pangyayari sa Senado.
Ibinahagi rin ni Vida na natanggap na nila ang mga ulat mula sa National Bureau of Investigation at Government Service Insurance System.
Samantala, humiling pa umano ng karagdagang panahon ang Philippine National Police upang makumpleto ang kanilang ulat dahil nagpapatuloy pa ang pangangalap nila ng mga dokumento.
(JULIET PACOT)
133 