KINUMPIRMA ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na dalawang opisyal ng Philippine National Police ang sinibak sa pwesto dahil sa reklamo ng pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Ang isang opisyal na inalis sa pwesto ay mula sa PNP Custodial Service at ang spokesperson ng PNP-Highway Patrol Group.
May ranggong Police Major at Police Lieutenant ang mga sinibak sa pwesto habang dinidinig ang reklamong administratibo na isinampa ng mga kaanak ng missing sabungeros.
Nabatid sa reklamo ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero, mayroon umanong warden na nag-o-orchestrate ng secret meetings sa pagitan ng complainants at detained police officers.
Bukod dito, mayroon ding spokesperson ng HPG na sangkot sa bribery at obstruction of justice sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Base sa reklamo, inalok umano ng monthly financial assistance na hanggang P40,000 ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero para ‘di dumalo court hearings dahilan kaya nababawasan ang mga kaanak na nagsusulong ng kaso.
(TOTO NABAJA)
62 