WIN HANDANG MAKIPAG-ONE-ON-ONE KAY ALAN

HANDANG makipagpulong si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian kay Senate President Alan Peter Cayetano upang resolbahin ang isyu sa leadership sa Senado.

Sinabi ni Gatchalian na bukas siya sa pakikipag-ugnayan sa mga senador, miyembro man ng majority o minority bloc, upang maisaayos na ang takbo ng Senado at makabalik na sila sa trabaho nang maayos.

Ito ay kasunod ng imbitasyon ni Cayetano sa pamamagitan ng Facebook Live na mag-meeting sila dahil may naiisip siyang solusyon sa problema nila ngayon sa Senado.

Sa gitna ito ng paninindigan ni Cayetano na siya pa rin ang lider ng Senado dahil hindi legal ang quorum of 12 nina Gatchalian noong June 3 kung saan idineklarang bakante ang lahat ng posisyon.

“Open naman ako sa lahat ng senador. Sabi ko nga, majority-minority, lahat kakausapin natin. In fact, sa minority, marami tayong kaibigan dyan na personal. Hindi naman mga nakilala ko lang, mga matatagal ko ng kilala. Kaya open naman ako. At alam ko naman, even si Senator Alan gusto na rin ng maganda para sa ating bansa,” pahayag ni Gatchalian.

Nang tanungin kung paano matutuloy ang meeting, sinabi ni Gatchalian na “Siguro kami nalang mag-usap kung paano matuloy yun dahil magkakilala naman kami at matagal na rin kami magkakilala so gagawan na lang ng paraan.”

(DANG SAMSON-GARCIA)

80

Related posts

Leave a Comment