BABAE NILIKIDA HABANG PALABAS NG JAIL

DEAD on the spot ang isang 41-anyos na ginang matapos pagbabarilin ng riding in tandem gunmen paglabas ng biktima mula sa Negros Occidental District Jail (NODJ) sa Barangay Tabunan, Bago City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si alyas “Lowela”, residente ng Barangay 2 sa Manapla, Negros Occidental.

Ayon sa inisyal na ulat, kalalabas lamang ng biktima mula sa jail facility kasama ng dalawang tao at sumakay sa inarkilang tricycle na minamaneho ng isang lalaki mula rin sa bayan ng Manapla, nang dikitan ng hindi pa nakikilalang suspek at paulanan ng bala bandang alas-4:08 ng hapon.

Nahagip ang biktima sa kaliwang pisngi na naging sanhi ng kanyang dagliang kamatayan.

Namataan ang mga suspek na sakay ng itim na motorsiklo, kapwa nakasuot ng itim na bonnet, isa ang nakasuot ng yellow-gold sweatshirt, habang nakasuot naman ng black T-shirt ang isa pa, at kapwa walang suot na helmet.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

(JESSE RUIZ)

112

Related posts

Leave a Comment