NAGING mabusisi ang pagtatanong ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors sa audit firm na Punongbayan & Araullo (P&A) kaugnay ng naging pag-aaral nito sa halaga ng ilang ari-arian ng Villar Group.
Layunin ng DOJ na malinawan ang reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Villar Land Holdings.
Nanindigan ang audit firm na wala silang pahintulot sa paglalabas ng ulat na nagsasabing umaabot sa P1.3 trilyon ang halaga ng lupain ng Villar Land.
Kinumpirma rin ng P&A na hindi sa kanila nagmula ang naturang valuation at sumasailalim pa umano ito sa auditing nang mailabas sa publiko.
Binigyan naman ng DOJ panel ng pagkakataon ang kampo ng mga Villar na sagutin ang mga pahayag ng audit firm.
(JULIET PACOT)
99 