BALIGOD AMINADONG MAY SABLAY SA AFFIDAVIT NG 18 ‘BAGMEN’

INAMIN ni Atty. Levito Baligod na may pagkakamali sa affidavit ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co, ngunit nanindigan siyang walang pagbabago sa listahan ng mga opisyal na umano’y tumanggap ng porsiyento mula sa flood control projects.

Ito ang pahayag ng abogado nang harapin niya ang mga mamamahayag sa Department of Justice kasama ang mga dating sundalo.

“Maniwala kayo, napakaraming information na pumapasok. Napakaraming videos. Napakaraming pictures, at inentrust nila lahat sa akin. Mag-isa lang ako,” paliwanag ni Baligod.

Ayon sa kanya, sinadya nilang ilabas muna ang sapat na impormasyon upang magsilbing mitsa ng mas malalim na imbestigasyon.

“Sabi ko sa kanila, puwede ba we reveal just enough information so that it will trigger an investigation? Katamtaman lang para hindi natin sila ibilad kaagad sa publiko,” dagdag niya.

Inamin din ni Baligod na maaaring makaapekto sa kanilang kredibilidad ang hindi pagkakatugma ng ilang detalye sa affidavit, kabilang ang pagkakasama ng pangalan ni Senator Loren Legarda.

“That’s the danger. As I said, we are man enough to admit our mistake. And we are brave enough to rectify it. Mahirap naman panindigan mo ang oversight. Reputation ng tao ‘yan, e,” ayon kay Baligod.

(JULIET PACOT)

99

Related posts

Leave a Comment