BATAS LABAN SA PAGBABANTA SA BUHAY NG HIGHER OFFICIALS ISINULONG

IGINIIT ni Senator-Judge Juan Miguel “Migz” Zubiri na panahon nang magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga magbabanta sa buhay ng Pangulo, Bise Presidente at iba pang constitutional successors ng Pangulo.

Sa ikatlong araw ng impeachment trial, tinanong ni Zubiri ang testigong si National Bureau of Investigation (NBI) Agent John Mark Calilung kung may partikular na batas na nagpaparusa sa mga pagbabanta laban sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ayon kay Calilung, may kapangyarihan lamang ang NBI sa ilalim ng charter nito na imbestigahan ang mga banta laban sa Pangulo, Bise Presidente, Senate President at mga mahistrado ng Korte Suprema, ngunit ang mga kaso ay isinasampa sa ilalim ng general provision ng grave threats.

Dahil dito, inirekomenda ni Zubiri sa Kongreso na pag-aralan ang pagbalangkas ng batas na kahalintulad ng umiiral sa Estados Unidos kung saan itinuturing na hiwalay na krimen ang pagbabanta laban sa kanilang pangulo, bise presidente at mga constitutional successors.

Binigyang-diin ng senador na napapanahon nang magkaroon ng partikular na batas na magpapataw ng mabigat na parusa laban sa mga magbabanta sa buhay ng matataas na opisyal ng bansa.

(DANG SAMSON-GARCIA)

46

Related posts

Leave a Comment