WIN KAY IMEE: TUMULONG HUWAG PURO BATIKOS

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian si Senador Imee Marcos na makiisa sa pagpasa ng mga priority bill ng Senado sa halip na batikusin ang naging performance ng Kamara sa unang regular na sesyon ng 20th Congress.

Ito ay matapos sabihin ni Marcos na “palpak” ang Senado dahil dalawa lamang umanong panukalang batas ang naipasa nito sa nakalipas na first regular session.

Ayon kay Gatchalian, mas makabubuting makibahagi ang senadora sa trabaho ng Senado upang mapabilis ang pagpasa ng mahahalagang panukala.

Ipinaliwanag niya na anumang puna laban sa Senado ay sumasalamin din sa lahat ng miyembro nito dahil kabilang sila sa iisang institusyon.

Nangako rin si Gatchalian na pagsisikapan ng Senado na maipasa ang mga prayoridad na panukala sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Aniya, magpupulong ang LEDAC sa Biyernes upang isapinal ang listahan ng mga prayoridad na panukala, at inirerekomenda niyang unahin ang mga economic at business bills bilang tugon sa mabagal na takbo ng ekonomiya.

Samantala, nagpatuloy ang ika-11 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung saan ipinagpatuloy ang pagtalakay sa Article I ng Articles of Impeachment na may kaugnayan sa paggamit ng confidential funds.

Tumestigo si dating Commission on Audit (COA) State Auditor Roderick Wamil ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office. Bago ang kanyang testimonya, inilahad ni defense counsel Atty. Lorna Kapunan ang stipulation of facts kaugnay ng dalawang naunang testigo ng prosekusyon.

(DANG SAMSON-GARCIA)

63

Related posts

Leave a Comment