DOJ WALANG KUMPIRMASYON SA UMANO’Y PAG-ARESTO KAY ‘BATO’

HINDI kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na ulat na naaresto na umano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa isang biglaang press briefing nitong Martes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na wala silang natatanggap na impormasyong nagpapatunay sa naturang ulat.

“I cannot confirm that information. Wala kaming natatanggap na nangyari ‘yan,” ani Martinez.

Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyon.

Huli siyang nakita sa publiko noong madaling araw ng Mayo 14 nang umalis siya sa Senado kasama si Senador Robin Padilla, matapos magpakita roon kasunod ng matagal na pagkawala sa publiko.

(JULIET PACOT)

93

Related posts

Leave a Comment