NANGANAK NA Isinilang na ni Andi Eigenmann ang kanyang ikalawang anak at ikalawang babae rin, kamakalawa, July 24.
Parehong nag-post sina Andi at ang ama ng kanyang bunsong anak na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, ng mga larawan habang karga nila ang baby na hindi na nila sinabi ang pangalan sa media. Ilang araw bago siya manganak, nag-post pa si Andi ng larawan at sinabi nito sa caption na sana ay “normal” delivery ngayon at hindi caesarean.
Hindi naman nabanggit sa mga post-delivery posts kung natupad ang wish niyang ito. Ang firstborn ni Andi na si Ellie ay anak niya sa dating boyfriend na si Jake Ejercito. Ipinanganak ito noong 2011.
200