(NI DAHLIA S. ANIN)
PATULOY sa pagtaas ang antas ng tubig sa Angat dam matapos ang walang tigil na pag-ulan dala ng Habagat noong weekend, ayon sa monitoring ng Pagasa.
Mula 167.85 noong Linggo tumaas sa 168.33 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Bukod sa Angat, patuloy din sa pagtaas ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon.
Ang La Mesa dam ay muling tumaas sa 75.34 meters mula sa 75.05 meters, gayundin ang Ambuklao dam na mula sa 747.18 ay tumaas sa 747.73 meters.
Maging ang San Roque dam ay tumaas din sa 232.84 meters mula sa 232.44 noong Linggo.
Tumaas din sa 190.77 meters ang antas ng tubig sa Pantabangan dam mula sa 190.66 at ang Caliraya dam na mula sa 286.38 ay tumaas sa 287.57 meters.
Samantala, bumaba naman ang antas ng tubig sa Magat dam sa 184.23 mula sa 184.43 at ang Binga dam na mula sa 574.01 meters ay bumaba sa 572.99 meters.
Patuloy naman na magpapaulan ang bagyong hanna na magpapalakas sa Habagat na siyang magdadala ng kalat kalat na pag ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
