Although wala pang kumpirmasyon sa pagitan ng showbiz couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ay kalat na sa showbiz na hiwalay na ang dalawa.
Umugong ang chika dahil pareho silang nasa abroad ngayon pero magkaibang bansa ang pinuntahan nila at iba ang kanilang mga kasama. Si Ellen ay ang bff na si Beauty Gonzales ang ka-join sa bakasyon sa Bangkok, Thailand at nasa Vietnam naman daw itong si John Lloyd na tropa ang kasama.
Well, matagal nang expected ang hiwalayang ito lalo’t hindi match ang dating nina Ellen at John Lloyd sa isa’t isa. Malaking factor din ‘yung pareho silang buryong sa pamamahinga sa kanilang respective careers.
At ngayong naiisyu na hiwalay na sila, mukhang malaki rin ang chance na magbalik-showbiz na si Lloydie, gayundin si Ellen na may sarili rin namang karera.
163