HAMON NG ENDO

FOR THE FLAG

NANanatiling malaking hamon sa administrasyon ang pagbabaklas sa Endo, ito pa nga ang ibinubutas sa pangulo ng nga kritiko.

Ngunit ang katotohanan, hindi naman talaga pwedeng baklasin ito sa pangkalahatan. Sa ibang industriya ay maaaring nararapat lamang na panatilihin ito.

Sa usapin ng Endo ay kinapanayam ko ang dalawang eksperto, sina Labor Arbiter Marcial Galahad T Makasiar ng National Labor Relations Commission at Atty. Pearlito Campanilla, na isa namang batikang Labor lawyer at Labor university professor.

Ayon kay Arbiter Makasiar, noong panahon ni Labor Minister Blas Ople ay may industrial peace dahil sa no strike, no lock-out policy ngunit nawala ito noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang Endo umano, ayon kay Makasiar, ay bunga ng paghahanap ng mga employer ng paraan na maprotektahan nito ang negosyo mula sa mga unyonista at ito ang nagbigay daan sa pagsisimula ng “Endo.”

Ang masama nga lamang, ayon kay Makasiar ay tuluyang nawala na sa diwa ng Endo ang security of tenure ng mga manggagawa samantalang patuloy ang pangangailangan sa mga mangagawa, napaigsi na karaniwang limang buwan ang kanilang kontrata kaya hindi nagiging regular ang mga empleyadong apektado.

“Aside from infringing upon the right to tenurial security, jurisprudence teaches that labor is property and the right to make it available is next in importance to the rights of life and liberty. As enshrined under the Bill of Rights, no person shall be deprived of life, liberty or property without due process of law (Opinaldo v. Ravina, G.R. No. 196573, 16 October 2013),” pahayag ni Makasiar.

Samantala, nilinaw naman ni labor lawyer at labor professor Atty. Campanilla na hindi siya para sa Endo, ngunit ang kanyang sinasabi ay dapat tingnang maigi na may kabutihan naman ito lalo na at applicable ito sa ilang piling industriya sa bansa.

Nilinaw ni Campanilla na sa ilalim ng Endo ay natatanggap pa rin naman ng mga empleyado ang mga benepisyo na isinasaad sa batas katulad ng minimum wage, holiday pay, 13th Month Pay at maging mga bonus, depende sa kontrata.

Bagaman at naniniwala si Campanilla na dapat nang ihinto ang Endo sa department stores at ilang mga pabrika, sa iba namang industriya katulad ng tourism at iba pang industriya ay kapakipakinabang naman ang Endo dahil sa seasonal na demand. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

211

Related posts

Leave a Comment