PDU30, XI MANONOOD NG LARO NG GILAS SA CHINA

duterte jinping12

(NI BETH JULIAN)

MANONOOD sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidnet Xi Jinping sa laro ng Gilas Pilipinas sa  China.

Isasagawa ang 2019 FIBA World Cup sa China kung saan makakaharap ng Gilas sa opening game ang Italy.

Ayon kay Robert Borje, pinuno ng Presidential Protocol, posibleng makaharap din ng Pangulo ang Gilas habang siya ay nasa China.

“We’re working on it. But definitely the President of course wants to support the team Philippines,” pahayag ni Borje.

Gayunman, wala na sa schedule ng Pangulo ang pagpunta sa Fujian Province sa China, sa kabila ng nauna nang pag-anunsyo nito na pasisinayaan niya ang isang kolehiyo sa nasabing lugar na ipinangalan sa kanyang ina na si Soledad.

Tikom naman ang bibig ng Malacanang kung bakit tinanggal ito sa schedule ng Pangulo.

136

Related posts

Leave a Comment