CUDDLE WEATHER, PWEDENG IPANLABAN SA OSCARS

PETERLEDESMA (NI PETER LEDESMA)

KAHIT na maselan ang tema ng Cuddle Weather na tumatalakay sa prostitution, ito ay punong-puno ng puso.

Nagawa pa itong pagaanin nina Sue Ramirez at RK Bagatsing na parehong pokpok ang characters sa pelikula.

Tiyak na manggugulat si Sue sa moviegoers sa mga daring niyang eksena sa Cuddle Weather habang nakikipag-sex sa kanyang mga customer.

Kilalang wholesome star ang aktres pero tinanggap niya ang challenge na magampanan nang buong puso ang character ni Adela na sa murang edad ay nagawa nang magputa para makatulong sa kanyang pamilya. Dahil na rin sa pagbebenta niya ng aliw ay naipatayo niya ng bahay ang mga ito.

Malungkot ang buhay ni Adela, kahit pa nakatira siya sa condo na bigay sa kanya ng batang sugar daddy na si Mark Anthony Fernandez, na kalauna’y iniwan din siya.

Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ram na ginagampanan ni RK na pinasok rin ang pagko-callboy dahil itinakbo ng recruiter ang perang ibinayad niya para sa pagsi-seaman.

Kung in-demand si Sue sa mga customer (isa sa kanyang mga suki ay si Niño Muhlach na isang barangay chairman ang role dito), si RK kahit threesome sa matronang si Dexter Doria ay pinatulan dahil siya ang breadwinner sa kanyang pamilya sa probinsya.

Nagkainlaban dito sina Sue at RK at finally ay natupad ang pangarap ng dalaga na magkaroon ng kayakap ng totoong nagmamahal sa kanya.

Dumating ang isang araw, napagod na ito at nagdesisyon na palitan ang kanyang pangalan sa Philippine Statistics Authority (PSA) bilang Marie at tumigil na sa pagpo-pokpok. Kinausap nito si RK at sinabing tumigil na rin ito sa pagbebenta ng katawan at sasama siya sa nobyo sa probinsya para magsimula uli ng panibagong buhay.

Natupad ang gusto ni Sue, kaya’t happy ending ang love story nila ni RK.

Pinaghalong drama, komedya, at romance ang Cuddle Weather at parehong hayup sa pag-arte sina Sue at RK sa pelikulang ito!

Kaya malamang, hindi lang sila makakakuha ng acting nominations kundi pwedeng ang dalawang ito ang makakapag-uwi ng tropeo sa award giving bodies na magno-nominate sa kanila.

Kapuri-puri ang director ng film na si Rod Marmol dahil nakagawa ng sensitibo pero de kalidad na obra. Pwedeng ang Cuddle Weather ang panlaban ng bansa sa Oscars 2020.

Palabas na ito sa 180 Cinemas nationwide at isa ito sa mga pelikulang pinipilahan ngayon sa takilya.

###

Unti-Unti nang napapansin and newest recording artist/dancer/model na si Migz Coloma. Happy si Migz at ngayon ay tumatatak na ang pangalan niya sa showbiz.

At palawak ng palawak na rin ang kanyang fan base. Napatunayan ito ni Migz dahil ang single niyang “Kayo Na Naman Bang Dalawa” ang nangunguna ngayon sa voting para sa “Super Tunog Pinoy” Top 15 Viewers’ Choice ng Monkey Radio.

Imagine from top 10 and top 4 ay siya na ang top 1 sa nasabing contest ng Monkey Radio na napapanood sa internet at malamang ang nasabing upbeat Tagalog song niya ang manalo.

Two weeks ago pala ay nag-guest si Migz sa morning show ng NET25 na “Pambansang Almusal” at kinanta niya ang “Kayo Na Naman Bang Dalawa.” Humanga sa performance niya ang hosts at production people ng naturang programa.

Sabi pa ng isa sa host ng show ay mabigyan lang daw ng proper break si Migz ay sisikat ito lalo’t maganda ang song na kanyang pino-promote na malapit na ninyong mabili’t ma-download sa Spotify at iba pang digital platforms.

Nasa planning stage na rin ang mall tour at concert na gagawin ng nasabing newest recording artist/dancer/model.

Iso-shoot na rin ni Migz ang music video ng naturang carrier single at soon ay mage-guest siya sa popular na “Letters and Music” sa NET25. Pangarap din ng binata ni Mommy Juvy at Daddy Michael na makapag-guest sa ABS-CBN at GMA.

 

260

Related posts

Leave a Comment