ALMOST four months matapos mamaalam ang movie icon na si Eddie Garcia noong June 20, 2019 sa edad na 90, sumunod sa kanya ang kanyang co-actor sa award-winning 2019 Metro Manila Film Festival movie na Rainbow’s Sunset, ang theater icon at veteran actor na si Antonio “Tony” Mabesa noong nakaraang Oktubre 4, 2019 sa edad na 74.
Hours apart lang ang pagyao last September 21 ng movie director na si Mel Chionglo at ang veteran print journalist na si Isah Red. Six hours naman ang pagitan nina Tony at ang movie queen and veteran actress-producer na si Amalia Fuentes na sumakabilang-buhay naman nung umaga ng Sabado, October 5. Nitong September 8 lang din pumanaw ang veteran actor na si Lito Legaspi, ama ng actor ng magkakapatid na actor na sina Brando, Zoren at Kier Legaspi.
Ang pelikulang Rainbow’s Sunset ang siyang nagbigay ng Best Supporting Actor award kay Tony. Ito rin ang kanyang nagsil-bing huling pelikula bago siya namaalam.
It was in October 9, 2015 nang magka-stroke sa Seoul, Korea si Amalia “Nena” Fuentes, Amalia Amador Muhlach sa tunay na buhay. Siya’y nakatatandang kapatid nina Alex at Cheng Muhlach. Si Alex ay ama ng dating child superstar na si Niño Muhlach ha-bang si Cheng ay ama ng magkakapatid na Arlene, Aga, Almira, AJ, Andrew at iba pa.
Sumakabilang-buhay si Cheng nung May 12, 2018 at na-outlive pa siya ni Amalia na nabuhay pa ng halos apat na taon matapos ang stroke.
Ang kaisa-isang anak ni Amalia sa actor na si Romeo “Bobby” Vasquez na si Liezl ay pumanaw noong March 14, 2015.
Si Nena ay twice divorced sa kanyang two ex-husbands na sina Romeo “Bobby” Vasquez at Joey Stevens na pareho na ring sumakabilang-buhay. Si Joey in 2012 at si Bobby nung May 2, 2017 sa Los Angeles, California. Ang adopted son nina Nena at Joey na si Geric Stevens ay namatay din at age 35 sa San Francisco noong November 10, 2018.
Naiwan ni Nena ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex, mga pamangkin at mga apo sa pamangkin maging ang kanyang mga apo kay Liezel na sina Alyanna, Alfonso at Alissa at son-in-law na si Albert Martinez at apo sa tuhod na si Adalyn Riley, anak ni Alyanna (panganay na anak nina Albert at Liezel) sa husband nitong si Roy Macam na naka-base sa Los Angeles, California, USA.
Si Niño (Muhlach) ang nagsabi sa amin na baka hindi makauwi si Alyanna sa burol at libing ng kanyang Lola Nena.
Samantala, last wake ni Nena (Amalia) sa araw na ito ng Lunes, October 7, hanggang 12 midnight with mass at 7pm. Siya’y na-katakdang ihatid sa kanyang huling hantungan bukas, Martes, pagkatapos ng 8am mass.
oOo
Sobrang na-excite si Judy Ann Santos nang maranasan niyang maglakad sa international red carpet ng Busan International Film Festival in South Korea kung saan kalahok ang kanyang pelikulang Mindanao na dinirek ng Cannes’ best director na si Brillante Men-doza. Nakasama ni Juday ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo, ang director na si Brillante at co-stars sa movie na sina Allen Dizon at Vince Rillon.
Kalahok din ang Mindanao sa Tokyo International Film Festival this month pero hindi makakadalo si Juday dahil nakapag-commit na siya sa International Book Fair na gaganapin sa Dubai kung saan isa siya sa mga imbitadong book authors. Si Juday ay naglabas ng kanyang cooking book, ang Judy Ann’s Kitchen.
Samantala, magsisimula sa araw na ito ng Lunes, ang comeback teleserye ng Queen of Soap na si Judy sa pamamagitan ng “Starla” na mapapanood ngayong gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
