MAGDILANG- anghel kayang muli si Iza Calzado?
Sa presscon ng Cinemalaya 2019 filmfest, may entry si Iza na Pandanggo Sa Hukay. Pero tahasan na agad niyang sinabi na ang magbe-best actress ay si Ruby Ruiz para sa Iska, na siya ngang nangyari.
May entry si Iza sa 45th Metro Manila Film Festival, iyong historical movie na Culion na kinunan sa Palawan.
Sabi-sabi, mahigpit niyang makakalaban ang close friend at ninang sa kasal na si Judy Ann para sa movie nitong Mindanao.
Si Juday na ang best actress ng MMFF 2019, para kay Iza. Ibinase niya iyon sa trailer ng movie. Mata pa lang daw ni Juday, wagi na!
###
Kabi-kabila ang mga ganap, mediacon at showbiz pautot nitong mga nakalipas na araw pero tabon na tabon ang mga iyon sa nagliliyab na alitan ng mga Barretto.
Nadamay si Ruffa Gutierrez matapos magkomento ng maganda kay Julia Barretto. Nagpasaring si Gretchen Barretto kay Ruffa.
Dumalo ang mag-inang Julia at Marjorie Barretto sa debut ng anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez, kaya natural lang na magpaka-positive si Ruffa para kay Julia sa panahong kailangan nito ng good vibes.
Syempre pa, bumanat na rin ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama laban kay La Greta.
###
Ang himutok ng isang beauty queen ay bahagya nang pumukaw sa aking kamalayan. Ang pasiklab ng mga kilalang artista sa isang Halloween party ay ipinagkibit-balikat lang ni Aling Tacing.
Nagpahiwatig ang isang pogilicious singer-actor kaugnay sa kanyang sexual preference, at malamang na madawit sa usapin ang kaibigan niyang matalik. Umismid lang ang insiders & kibitzers.
Itinanggi ng isang young actress na siya’y nagdadalantao. Naghikab si Valentina Moran at kapagdaka’y bumirit ng Ocean Deep. Touché!
###
Grand opening ng Barbero Blues ngayong Sabado nang 3pm sa 5th Floor ng The Block, SM North EDSA.
Ang barber shop na ito ang unang negosyo na magkasosyo sina Kathryn Bernardo & Daniel Padilla.
Asahang dadagsa rito ang KathNiel fans!
###
Nabulabog ang bekizens sa paghahanap ng batibot video ng isang pogilicious newbie na halos magsalubong ang mga kilay.
Produkto si pogi ng isang panlalaking paligsahan sa isang noontime show. Madalas siyang mag-post ng topless photos sa socmed, kung saan katakam-takam ang kanyang abs.
Kamukat-mukat mo, lumutang ang isang screenshot na siya’y nagsasariling-sikap. Abangan natin kung kakalat ba ang mahiwagang video!
212