AFP CHIEF CLEMENT, VICE ADMIRAL CUSI LUSOT SA CA 

(NI NOEL ABUEL)

LUMUSOT sa makapangyarihang bicameral Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments nina Armed Forces chief General Noel Clement at Navy Vice Admiral Allan Cusi.

Sa ginanap na pagdinig ng CA national defense committee, walang sinumang miyembro ng CA ang nagpahayag ng pagtutol sa appointments ng dalawang military officials.

Nabatid na sa Clement ay na-appoint sa AFP noong Setyembre kung saan sa darating na Enero 5, 2020 ay nakatakda itong magretiro.

Samantalang si Cusi na pinamunuan ang Philippine Military Academy (PMA) ay nakatakdang magretiro sa Setyembre rin.

 

293

Related posts

Leave a Comment