(NI NOEL ABUEL)
UMAPELA ang ilang senador sa taumbayan na makipagtulungan sa pamahalaan kaugnay ng isinasagawang pagbabakuna kontra polio.
Sinabi ni Senador Christopher Bong Go na mahalaga na mabigyan ng bakuna ang lahat ng paslit para malayo sa karamdaman at posibleng kamatayan.
Aniya, libre naman ang ibinibigay na bakuna ng Department of Health (DOH) kung kaya’t dapat na makiisa na lang ang sambayanan para mapagtagumpayan ang programa ng gobyerno kontra sa naturang sakit.
Ayon kay Go, nagpapatuloy ang programa kung saan, ayon sa report ng DOH, ay nasa 95% na ang mga nagpapabakuna ng kanilang mga anak sa buong bansa.
Bilang Senate Committee on Health chair ay tutok si Go sa pagbabakuna ng DOH.
Una nang kinumpirma ng DOH na mula sa Mindanao ang ika-6 at ika-7 biktima ng polio sa bansa.
153