DANIEL AYAW MAGING KONTRABIDA SA LOVE LIFE NI KARLA

(NI  BOY ABUNDA)

ILANG  buwan pa lamang na karelasyon ni Karla Estrada ang non-showbiz guy na si Jam Ignacio. Suportado naman ng panganay na anak ng aktres na si Daniel Padilla ang pakikipagrelasyon ng ina.

“Ayokong maging kontrabida but at the same time on the lookout lang ako. Kumbaga I am just hovering,” bungad ni Daniel.

Hanggang maaari ay gusto lamang protektahan ng binata ang ina sa tuwing may karelasyon ito. Marami nang nasaksihan si Daniel sa mga pinagdaanan ni Karla sa buhay pag-ibig ng ‘Magandang Buhay’ host. “Hindi naman ‘yan sa ayoko na sa ‘yo pero sorry, ang dami ko nang narinig at dami ko nang nakita. Lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalulungkot, nakita ko sa sa ermat ko eh. Masaya lang ako kay mama, masaya lang ako ngayon kasi she’s very happy and I think she’s in love and that’s good,” pagbabahagi ng aktor.

Kasundo ni Daniel ang bagong kasintahan ni Karla kaya madalas ding nagkakausap ang dalawa. Aprubado ng aktor ang binata para sa ina dahil sa malasakit na ipinapakita ni Jam. “Sa ngayon nakikita ko naman na nagre-reach out, kasi last time ‘yung birthday ni mama, tulog na lahat nando’n kami sa bahay ko, dumaan siya do’n, sumaglit siya at malaking bagay ‘yon bilang lalaki. Dahil siyempre pinapakita mo ‘yung totoo pero I’m not saying na ayos na dahil ako ang number one security ng ermat ko,” paglalahad ni Daniel. -Reports from JCC-      

 

218

Related posts

Leave a Comment