45th PBA SEASON AABOT SA 2021

45th PBA SEASON AABOT SA 2021

GAYA ng 44th season, aabutin ng mahigit isang taon ang Philippine Basketball Association (PBA) sa taong ito.

Ayon sa mga pinuno ng PBA, ang iskedyul ng nakaraang taon ang susundin nila dahil sa pagsingit sa programa ng Gilas. Kaya magsisimula ang Philippine Cup sa Marso 1.

Tampok sa season-opening ang salpukan ng five-time defending champion San Miguel Beer kontra Magnolia sa Araneta Coliseum. Magtatagal ang All-Filipino Cup hanggang Hunyo 2020.

Matapos ito ay agad sisimulan ang Commissioner’s Cup kung saan ang mga import ay may height limit na 6-foot-10.

Ang third at season-ending Governors’ Cup, tampok ang mga import na 6 foot 5 pababa, ay inaasahang aabutin hanggang Enero 2021.

Sinabi ni PBA Board chairman Ricky Vargas, muling isinagawa ng liga ang set-up sa nakaraang taon dahil para mas madali silang makapag-adjust ng iskedyul para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na magsisimula sa Pebrero.

“We’re trying to move from a calendar year to a flexible year. We’re going to extend to January 2021 because this (calendar) will accommodate the window of qualifiers for the FIBA Asia Cup. So we organized it on that basis,” paliwanag niya.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay lumampas din sa isang taon ang PBA bilang pagbibigay-daan naman sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games. (ANN ENCARNACION)

203

Related posts

Leave a Comment