Dalagita, binosohan at minolestiya MANYAK SWAK SA SELDA

BULACAN – Arestado ang isang umano’y manyakis makaraang dalawang beses na hipuan sa dibdib ang isang dalagita at binosohan gamit ang cellphone habang ang biktima ay naghihintay ng jeep sa Brgy. Longos, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Martes ng gabi.

Base sa report ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapu, Malolos City police chief, kinilala ang suspek na si Nel  Fajardo y Orence, nasa hustong gulang at residente sa nasabing siyudad, nahaharap sa kasong act of lasciviousness in relation to RA 7610, makaraang hipuin sa dibdib ng menor de edad na biktima na itinago sa pangalang Nene, estudyante at nakatira rin sa nasabing lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon, habang ang dalagita ay naghihintay ng jeep sa Brgy. Longos nang dalawang beses umanong hipuan siya sa dibdib ng suspek.

Dahil sa takot at walang mapagsumbungan ay hindi na lamang kumibo ang biktima.

Ngunit hindi pa nasiyahan ang suspek, muling nilapitan ang biktima, yumuko at inilawan ng kanyang cellphone ang ilalim ng palda ng dalagita saka sinilipan na ikinagulat ng huli.

Nang makasakay ng jeep ay humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na mabilis na nagresponde at nadakip ang suspek. (GINA BORLONGAN)

 

653

Related posts

Leave a Comment