Apo binalikan sa nasusunog na bahay RETIRED JUDGE, MISIS PATAY

CEBU City – Natusta ang retiradong huwes at kanyang misis habang nawawala ang kanilang apo na isang special child, makaraang nasunog ang kanilang bahay na nagsimula sa kapitbahay nitong Lunes ng madaling araw sa lungsod na ito.

Kinilala ang mag-asawang namatay na si dating Municipal Trial Court Judge Gerardo Gestopa, 65, at misis nitong si 67-anyos, habang nawawala ang kanilang apo na si Jeric, 20-anyos, pawang residente ng Zamora St., Mandaue City, Cebu.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-Mandaue City, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa katabing bahay na pag-aari ng isang Edwin Ermac, dating hepe ng Mandaue-Traffic.

Sa paunang imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang mag-asawa nang biglang sumiklab ang sunog.

Nakalabas si Gerardo ngunit bumalik sa kanilang bahay para isalba ang kanilang apo na may kapansanan sa pag-iisip.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang paghahanap kay Jeric.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy kabilang ang 15 kabayahan. (ANNIE PINEDA)

 

217

Related posts

Leave a Comment