DRUG DEALER KUMASA SA PARAK, PATAY

BULACAN – Patay ang isang hinihinalang drug dealer makaraang kumasa sa mga awtoridad sa bayan ng Baliuag habang dalawa pang umano’y tulak ang nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) makaraang kumagat sa inilatag na anti-drug operation sa bayan San Rafael at Bulakan sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek na si Marlon Alvarez, itinuturong shabu supplier sa nasabing bayan.

Namatay sanhi ng mga tama ng bala si Alvarez habang nakatakas ang kanyang kasama lulan ng motorsiklo.

Samantala, nadakip naman ng mga awtoridad ang dalawang umano’y drug pusher na sina Rhea Pleno y Padilla sa Barangay Ulingao, San Rafael, at Rio Balagtas y Escosio na nakorner sa Taliptip, Bulakan.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 nitong Lunes ng madaling araw nang magkasa ang DEU-Baliuag, sa ilalim ng overall supervision ni P/Lt. Col. Jayson, San Pedro, ng buy-bust operation sa Barangay Tibaga, Baliuag ngunit nakatunog si Alvarez na papalapit ang mga awtoridad para siya arestuhin kaya bumunot  ng baril at nanlaban naging dahilan para mapatay siya sa palitan ng putok.

Nakatakas naman ang kanyang kasamahan lulan ng itim na Yamaha Mio na walang plaka.

Dakong alas-7:00 ng gabi nang makorner naman sa Barangay Taliptip, Bulakan si Balagtas habang si Pleno ay nadakip sa Barangay Ulingao, San Rafael at nakumpiskahan sila ng 12 pakete ng shabu at buy-bust money. (GINA BORLONGAN)

 

303

Related posts

Leave a Comment