WBO FLYWEIGHT CROWN MAGRAMO VS NAKATANI

BATID ni Filipino power puncher Giemel Magramo na bigatin ang makakalaban niya para sa bakanteng World Boxing Organization flyweight crown sa Abril 4 sa Korakuen Hall.

Maliban sa walang talo ang Hapon na si Junto Nakatani, kasalukuyang may 20-0 rekord at 15 dito ay sa pamamagitan ng knockouts, mas mataas ito kay Magramo, 5 foot 7 kumpara sa 5 foot 4 lang ang Pinoy boxer. Bukod dito, sa Tokyo gaganapin ang laban kaya’t nasa kanya ang crowd at home advantage.

Kamakailan lang ay pinagkalooban ang 22-anyos na si Nakatani ng Japanese newcomer award matapos ang tatlong magkakasunod na knockout wins, kabilang na dito ang laban niya kontra former world champion Milan Melindo noong October 5, 2019, na naging daan upang maging ng  No. 3 siya sa world ranking.

Ang iba pang Filipino boxers na naging knockout victims ni Nakatani ay sina Joel Taduran noong 2017, at Jeronil Borres at Dexter Alimento nooong 2018.

Ngunit sa kabila ng impresibong rekord ng Hapon ay hindi natatakot si Magramo, na may 24-1 win-loss card at 20 knockouts.

Basta ang pokus niya ay mag-train nang husto sa Elorde Sports Complex sa Parañaque sa ilalim ng paggabay ng kanyang amang si Melvin, Eddie Balleran at kanyang manager na si Johnny Elorde, bilang paghahanda sa nakatakdang laban nila ni Nakatani.

183

Related posts

Leave a Comment