DONNY PANGILINAN: ‘WE DON’T WANT TO UPSET ANYONE!’

PALABAS pa rin sa mga sinehan ang pelikulang ‘James & Pat & Dave’ na pinagbibidahan nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Donny Pangilinan. May isang  eksena rin si Belle Mariano kasama si Donny sa naturang pelikula kaya ayon sa mga nakapanood na ay posible umanong magkaroon muli ito ng sequel. Si Belle din ang katambal ng aktor sa ‘He’s Into Her’ digital series na malapit nang mapanood sa iWant. Napababalitang ang dalaga raw ang nililigawan ng aktor ngayon. Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang video nina Donny at Belle na magkasama sa isang event. “Sa after party ng movie namin. The entire cast was there. So, I was like, ‘Why not have a duet?’ She was the one singing that time. The whole cast was there,” paglilinaw ni Donny.

Posible kayang magkaroon ng espesyal na ugnayan ang aktor at si Belle lalo pa’t madalas na nagkakasama ngayon sa taping ng nasabing digital series? “It’s hard right now because we haven’t really gotten to know each other that well. We’ve only been working for a couple of months and right now our focus is the show,” tuwirang sagot ng binata.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Donny at Belle sa isang proyekto. Ang ‘He’s Into Her’ ay hango sa bestselling book ni Maxine Lat na may kaparehong titulo. Para kay Donny ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanilang bagong serye dahil talagang maganda ang istorya nito. “We will really do our best. I want to tell everyone right now that we will really do whatever it takes to portray the Dave and Max (karakter nina Donny at Belle) that they envision in the novel to the show because we don’t want to upset anyone and ourselves as well,” nakangiting pahayag ng aktor.

 

287

Related posts

Leave a Comment