NAKATUTUWA na ang dami pa rin pala talagang interesadong producers na sumali sa Summer Metro Manila Film Festival.
Umabot daw sa 24 letter of intent ang natanggap ng Executive Committee ng MMFF. Tapos 24 finished films din talaga ang na-submit noong nag-deadline ito noong nakaraang Sabado, February 15 ng hapon.
Malalaking artista rin pala ang mga sumali.
Doon kasi sa 24 films na iyun, apat ang re-submitted. Ito yung hindi nakapasok noong nakaraang MMFF nung Pasko.
Pero magaganda rin iyun ha? Kagaya noong ‘Tagpuan’ nina Alfred Vargas at Iza Calzado. Gusto ko sana makapasok iyun.
Isinabmit din daw ang ‘Isa Pang Bahaghari’ ni Direk Joel Lamangan na sina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa naman ang bida.
Maganda rin ang narinig kong feedback sa pelikula.
Isinabmit din yata ni Papa Albee Benitez ang Project Alpha Kid ni Javi Benitez. Aksyon na aksyon naman iyun, kaya sana makapasok.
Ilan pa sa narinig kong isinumite ay ang sa Viva Films na ‘A Hard Day’ ni Dingdong Dantes.
‘Yung pelikula naman daw nina Coco Martin at Angelica Panganiban ang isinabmit ng Star Cinema.
Siyempre, naihabol din yung ‘Coming Home’ nina Sen. Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez. Sana makapasok iyun.
Hindi ko lang alam kung ano naman ang nasa Regal pero sa dami ng mga nagawa nina Mother Lily at Roselle Monteverde, tiyak na meron din silang isinabmit.
Sa March 2 na raw ia-announce ang walong pelikulang pasok sa Summer MMFF.
Sa April 5, Palm Sunday ang parada na hudyat nang pagsisimula ng filmfest sa Black Saturday, April 11.
Ang Quezon City ang maghu-host nito. Kaya dalangin talaga ni Alfred na mapasama ang pelikula nila para makapagparada sila sa Novaliches na kinasasakupan niyang ditstrito.
Bongga di ba?
BONGGA ANG NUDE PICTORIAL NI ANNE CURTIS
Ang bongga rin naman ang hubo’t hubad na pictorial ni Anne Curtis noong nag-celebrate ng birthday niya.
Milyon-milyong followers niya ang nag-like at halos lahat ay maganda ang comment sa kanya.
Naririnig ko nga na sinasabi ng iba na kung kailan buntis na buntis siya, saka siya nagpa-pictorial nang ganun.
Bakit daw noong kaseksihan siya, hindi siya nagpa-pictorial.
Ginawa lang naman iyun ni Anne para maipakita sa lahat kung gaano siya ka-proud bilang isang nanay.
Gusto niyang i-share iyun sa magiging anak nila ni Erwan Heussaff kung paano niya ipinagmalaki sa kanilang magiging baby noong ipinagbubuntis niya ito.
Kaya nga si Erwan ay proud na proud din sa pictorial na iyun ng asawa.
GLADYS REYES AT CHRISTOPHER ROXAS MAY BAGONG CATERING BUSINESS
Congratulations sa mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa bago nilang business na catering.
Nagkaroon sila nang launching noong nakaraang Huwebes, February 20 na ginanap sa Valencia Events Place ni Mother Lily.
Sabi ko nga kay Gladys, piliin ko ‘yung mga masasarap nilang handa at ipapabalot ko na.
Kagaya ng bestfriend niyang si Judy Ann Santos, pinasok na rin ng mag-asawang Christopher at Gladys ang food business.
Maganda ang resulta ng Estela na restaurant nila sa Cainta, at ngayon ay catering na.
Bilib din naman ako sa sipag ng mag-asawang ito.
Tama nga naman! Hindi naman lahat ng oras ay maganda ang kita sa pag-aartista. Kaya ngayon pa lang ay nag-i-invest na ng magandang fallback ‘pag dumating ang araw na hindi ka na ganoon ka-active sa showbiz.
Try ko kaya magpa-catering kina Gladys sa Christmas namin sa bahay?
283
