1 PATAY, 17 SUGATAN SA MOTOR, NAITALA SA LAGUNA 14 AKSIDENTE SA ISANG ARAW

LAGUNA – Sa kabila ng utos ng DILG na pagbabawal ng mga tricycle at motorsiklo sa gitna ng mga national highway sa bansa, umabot sa 17 aksidente ang nangyari sa loob lamang isang araw sa lalawigang ito, na kinasangkutan ng nasabing mga sasakyan.

Batay sa tala ng Laguna police,  isa ang namatay  at 17 katao ang nasugatan sa nasabing mga aksidente na magkakasunod na nangyari noong weekend, araw ng Sabado.

Sa San Pablo City, patay ang isang 23-anyos na motorcyle rider na si Justin Punzalan nang ang motorsiklo nito ay sumalpok sa likuran ng truck na nakahinto sa stop light sa Maharlika highway, Brgy. San Francisco dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Pito naman sa mga aksidente ay nangyari sa San Pedro City kung saan 10 ang nasugatan.

Kabilang sa nasugatan ang tatlong pasahero ng isang tricycle na nasabitan ng truck habang tumatahak sa national highway sa Barangay Landayan.

Ayon sa driver ng truck, nasa outer lane siya at nasa gitna naman ang tricycle kaya niya ito nasabitan.

Sa bayan naman ng Bay, nagkasalpukan ang magkasunod na LLI bus at DLTB bus matapos na biglang magpreno ang nasa unahan na LLI  nang magipit sa nasa unahan namang tricycle,

Tatlo rin ang nasugatan sa mga aksidente sa  lungsod ng Sta. Rosa at tig-iisa sa mga bayan ng  Calauan, Bay, Lumban at Cavinti.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng publiko sa utos ng DILG.

Ayon sa riders at naghahanapbuhay gamit ang mga tricycle, panggigipit aniya ito ng gobyerno sa mga mahihirap na kayang lamang bilhin ay ang mga naturang maliliit na sasakyan na  pang-personal na gamit at kanilang pang-hanapbuhay.

Para naman sa mga motorsista, panahon na para alisin ang mga tricycle at iba pang mababagal na sasakyan sa mga national highway para sa kaligtasan ng mga sumasakay at ng  iba pang mga motorista. (NILOU DEL CARMEN)

 

166

Related posts

Leave a Comment