PAGPOPONDO SA KARBON ITIGIL

NAGKAPIT-BISIG ang mga lider ng simbahan at civil society organizations upang himukin ang Philippine financial institutions na patuloy umanong nagpopondo sa ‘coal industry’ bagaman alam nilang nakapipinsala ang ‘dirty fuel’ sa kalusugan ng tao, kalikasan at klima sa buong mundo.

Sa press conference, inilunsad ang Visayas-wide Church – CSO Empowerment for Environmental Sustainability (ECO-CONVERGENCE), na pinangunahan ng faith-based organizations at environmental advocates mula sa buong Visayas island group at national organizations upang hikayatin ang mga kinauukulan na solusyunan ang nararanasang ‘climate’ at ‘ecological crisis’  sa bansa.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Bishop Gerry Alminaza, Diocese ng San Carlos, kasama sina Fr.  Edwin Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/Caritas Philippines; Teody Navea ng

Philippine  Movement for Climate Justice (PMCJ) – Cebu at Gerry Arances, Executive Director  ng Center for  Energy, Ecology, and Development (CEED).

Sa kanilang pagpupulong, hiniling ng grupo sa mga bangko sa bansa na itigil na ang pagpopondo sa karbon kung saan ay nagbibigay ng kapangyarihan sa ‘coal developers’ na patuloy na lumalason sa mamamayan at kalikasan sa bansa.

“We call on the Filipino public, the depositors and shareholders of local banks, to join us in strangling the lifeblood of coal power plants in the country. Through this action, we can properly act to respond to the climate emergency we all face” paghikayat ng mga nabanggit na grupo.

Anila, noong October 2018, ay inilathala ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ang isang ‘special report’ na umano’y tumaas ng 1.5°C  ang global temperature, na nagsilbing ‘wake up call’ sa mga  walang pakundangang nagbubuga ng mga nakalalasong emisyon.

Subalit sa kabila ng mapanganib na dala nito, ang 1.5°C pagtaas mula sa ‘pre-industrial levels’  ay maaari pang ipagpalagay na ‘best possible scenario’ dahil may tsansa pa umanong makayanan ito  ng sangkatauhan, maging ng mga ‘species’.

Gayunman, nagbabala umano ang IPCC na ang mundo ay may natitira na lamang na 12 taon upang bumuo ng  radikal na paglilipat sa ‘low-carbon societies’ kung nais pa natin na makaabot pa ng  1.5 ‘lifeline.’

Sa 12-year deadline na kailangang gumamit ng ‘coal’ o karbon, na itinuturing na pinakamaruming ‘fossil fuels’,  dapat umanong mabawasan ito mula sa kanyang 2010 levels ng 78% sa  2030, at maging ‘zero’ sa  2050. JAN SINOCRUZ

435

Related posts

Leave a Comment